• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

9ID Makikipagtulongan sa PNP sa imbestigasyon sa Nabaril na sibilyan sa Pamplona, Camarines Sur

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Makikipagtulungan ang pamunuan ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army sa Philippine National Police sa pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng isang sibilyan matapos na mabaril ng rumespondeng sundalo sa Maharlika Highway, Barangay Veneracion, Pamplona, Camarines Sur, dakong alas 2:45 ng hapon, Agusto 7.

Ayon sa report, rumesponde ang mga sundalo mula sa Charlie Company ng 9th Infantry Battalion sa pamumuno ni Sgt. Edison S. Bondocan makaraang humingi ng tulong ang driver ng Raymond Bus na si Crisanto Narvate Jr. sa umano’y tangkang pangungutong ng isang sibilyan sa kanya. Ang naturang mga sundalo ay nagsasagawa ng Critical Investment Peace and Security Operation sa isinasagawang road repair sa lugar.

Ayon sa salaysay ng naturang driver ng bus, tinanggihan nito ang pangungutong ng suspek na si Ruel Villanueva na nauwi sa pambabato nito at pagkabasag ng bintana ng bus na kaniyang minamaneho.

Idinagdag pa ng driver ng bus na nakipagsuntukan pa umano siya sa suspek na humantong sa paghingi ng driver ng tulong sa mga sundalo (kaya nang marinig ni Sgt Bondocan ang nangyari mula sa driver ng bus na si Narvate) na agad namang sinamahan ng mga sundalo upang tulungang maresolba ang kaguluhan. Nang dumating sina Sgt Bondocan sa pinangyarihan ng insidente ay sinalubong sila ng pambabato ng suspek.

Nag warning shot si Sgt. Bondocan upang patigilin ang suspek, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, aksidenteng tumalbog ang bala sa batohang bahagi ng lupa at tinamaan sa kanang pisngi ang nasabing suspek. Naisugod pa ito sa Bicol Medical Center sa Naga City ngunit sa kasawiang palad ay idineklarang Dead on Arrival.

Nagpaabot naman ng pakikidalamhati ang 9ID sa pamilya at mga kaibigan ng namatay na sibilyan at handang magbigay ng kaukulang tulong.

Magbibigay naman ng karampatang parusa ang 9ID sa naturang sundalo kung mapatunayang mayroon itong pananagutan sa pangyayari.