• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Paghagis ng Granada ng NPA sa Sorsogon City, Gawaing Terorista

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Isang pagsabog ang naitala sa Sorsogon City matapos na hagisan ng Granada ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army ang kampo ng 505th Community Defense Center, 5th Regional Community Defense Group ng ARESCOM sa Barangay Balogo, Sorsogon City, alas 8:20 ng gabi, Agosto 8.

May Dalawang oras lamang ang nakakalipas, alas 10:20 ng gabi isang Granada rin ang inihagis ng rebeldeng grupo sa harap naman ng Camp Salvador Escudero ng Sorsogon Provincial Police Office ngunit hindi ito sumabog.

Alas 12:00 ng tanghali sa kaparehong araw bago maganap ang insidente sa kampo ng ARESCOM at PNP sa Sorsogon City, dalawang Improvised Explosive Devices ang narekober ng pinag sanib na pwersa ng 31st Infantry Battalion at PNP Juban Municipal Police Station na nakatanim sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sitio Talinga, Barangay Cogon, Juban, Sorsogon na dinadaanan ng mga pribado at pampasaherong saskyan tungo sa Visayas at Mindanao gayun din ng papunta sa Manila.

Mariing kinukundina ng 9th Infantry Division ang pangyayaring ito na isa lamang sa mga maka-teroristang gawain ng NPA. Nais nilang magtanim ng takot sa mga komunidad upang patuloy silang makapagsagawa ng pangingikil sa mga kawawang mamamayan at mga negosyante sa nasabing probinsya.

Ang paghagis ng granada sa mga lugar na may mga sibilyan at Army Reserve Headquarters na himpilan ng mga hindi armado na mandirigmang elemento ng military ay isang tahasang paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na kapwa nilagdaan ng pamahalaan, National Democratic Front, Communist Party of the Philippines at maging ng New People’s Army. Ipinapakita lang ng mga NPA na sila ay isang grupo ng mga criminal na maihahalintulad sa teroristang grupo ng Maute.

Ang walang habas na paggamit ng anti-personnel mine at iba pang klase ng landmines ng NPA ay isa ring tahasang paglabag sa OTTAWA Treaty na nagbabawal ng paggamit ng ano mang klase ng landmines. Ang gawaing ito ay naglalagay sa panganib sa mga civilian. Isa rin itong katrayduran sa pamamaraan ng pakikipaglaban kaya ito ay ipinagbabawal ng nasabing treaty.

Naniniwala ang 9ID na ang mga naganap na pag-atake ng NPA ay bahagi pa rin ng paghihiganti nila sa pagkamatay ng apat nilang kasamahan kabilang na si Andres Hubilla AKA Magno, Carlo, Simon o Bunso na siyang pinakamataas na pinuno ng mga rebelde sa lalawigan ng Sorsogon at isang napakalaking kawalan ito sa hanay ng mga rebeldeng grupo.

Samantala, patuloy pa rin ang 9ID sa pagsasagawa ng Focused Military Operations laban sa mga NPA bilang pagtugon sa panawagan ni President Rodrigo Roa Duterte na tuluyang supilin ang mga rebeldeng NPA para sa tunay na kapayapaan at pagsulong ng kaunlaran sa Rehiyong Bikol