• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

7 NPA Boluntaryong Sumuko sa Tropa ng Pamahalaan

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Bitbit ang kanilang mga armas boluntaryong sumuko ang pitong mga kasapi ng New People’s Army sa pinag-isang pwersa ng mga sundalo ng 22nd Infantry Battalion, Philippine Army at Police Provincial Office sa Masbate, alas 9:00 ng umaga, Disyembre 12.

Ang mga armas na isinuko ng mga rebelde ay kinabibilangan ng dalawang shot gun, isang cal. 30 (mosin), isang cal. 38, isang cal. 45 pistol at isang rifle grenade.

Matatandaan na nito lamang nagdaang mga araw ay nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang executive order kung saan sinasabing mga terorista ang mga makakaliwang grupo o ang CPP-NPA.

Nagpapasalamat ang pamunuan ng 9ID sa pagsuko ng mga naligaw ng landas nating mga kapwa Bicolano sa pag takwil nila sa teroristang grupo ng NPA na patuloy na sumisira at humahadlang sa pag unlad ng kanilang bayan.

Ayon kay BGEN ISLETA, Acting Commander, ng 9th Infantry Division, hinihikayat niya ang iba pang mga aktibong miyembro ng NPA na sumuko na rin at magbalik loob sa pamahalaan at mamuhay ng mapayapa dahil ang 9ID at ang buong Hukbong Katihan ay hindi titigil sa pagtugis sa mga teroristang NPA upang sa ganun ay mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan at magkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa buong Rehiyong Bicol.

 

May nakahandang programa ang pamahalaan sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP) para sa pagbabagong buhay ng mga nagbalik loob na rebelde kasama ang kanilang mga pamilya. Sisigurihin din ng 9ID katulong ang PNP ang kanilang seguridad laban sa nasabing teroristang grupo.