• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

NPA Patay, Matataas na Kalibre ng Armas, at IED Nakumpiska

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Patay ang isang kasapi ng New People’s Army habang dalawang mataas na kalibre ng armas ang nakumpiska matapos maganap ang isang engkwentro sa Barangay Salvacion, Magallanes, Sorsogon dakong alas 11:10 ng umaga, Desyembre 12.

Ayon sa report, nagsasagawa umano ng isang operasyon ang tropa ng pamahalaan mula sa 31st Infantry Battalion nang makasagupa nito ang tinatayang 30 armado na kabilang sa teroristang grupong pinamumunuan ni Edwin Dematera alyas Dupax ng Kilusang Sangay sa Platoon 1 (KSPN1), Kilusang Probinsiya 3 (KP3), ng Bicol Regional Party Committee (BRPC).

Matapos ang 15 minutong palitan ng putok dagliang nagsitakas ang mga terorista habang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang NPA ang naiwan sa pinangyarihan ng insidente. Kabilang din sa mga nakuhang armas at kagamitan ay ang dalawang M16 rifle, isang M203 Grenade Launcher, at isang Improvised Explosive Device (IED). Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang pagtugis ng mga sundalo sa mga nagsitakas na rebelde.

Samantala, sa isang hiwalay na insidente, nakasagupa din ng isa pang grupo ng sundalo mula sa 31st IB ang dalawang pinaghihinalaang NPA lulan ng isang L300 van sa Barangay Calomagon, Bayan ng Bulan sa kaparehong lalawigan.

Ayon sa report, nagsasagawa umano ng monitoring ang nasabing team ng mamataan nito ang walang plakang sasakayan. Umabot sa dalawang minuto ang naging palitan ng putok at agaran namang nagsitakas ang mga salarin. Walang naiulat nasaktan sa nasabing pangyayari habang narekober naman ang sinasakyang van ng mga pinaghihinalaang NPA.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang 9ID sa mga residente sa mga nabangit na lugar sa patuloy nitong pakikipagtulungan at pagpapaabot ng impormasyon upang epektibong matugunan ang banta at problemang dulot ng teroristang NPA.

-more-

 

 

Ayon kay BGEN ISLETA, Acting Commander ng 9th Infantry Division, hinihikayat niya ang iba pang mga aktibong miyembro ng NPA na sumuko na rin at magbalik loob sa pamahalaan at mamuhay ng mapayapa dahil ang 9ID at ang buong Hukbong Katihan ay hindi titigil sa pagtugis sa mga teroristang NPA upang sa ganun ay mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan at magkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa buong Rehiyong Bicol.

 

May nakahandang programa ang pamahalaan sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP) para sa pagbabagong buhay ng mga nagbalik loob na rebelde kasama ang kanilang mga pamilya. Sisigurihin din ng 9ID katulong ang PNP ang kanilang seguridad laban sa nasabing teroristang grupo.