• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

7 NPA, 35 Milisyang Bayan Boluntaryong Sumuko sa Masbate

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, San Jose Pili, Camarines Sur - Boluntaryong sumuko ang pitong kasapi ng rebeldeng New People‚Äôs Army sa pinag-isang pwersa ng  2nd Infantry Battalion, 22nd Infantry CAFGU Battalion at Masbate-PNP sa Headquarters ng 2nd IB sa Sityo Baclay,  Barangay Bacolod, Milagros, Masbate, Enero 21.

Ang mga sumuko ay kinilalang sina @Kevin, 18, @Bunso, 19, @Reymart, 23, @Jet, 21, @Max, 20, @Zoren,18, at @JP, 29, na pawang mga miyembro ng Larangan 1, KP4 ng Bicol Regional Party Committee na kumikilos sa lalawigan ng Masbate.

Matapos ang mga nangyaring negosasyon, sumuko ang mga dating NPA bitbit ang ilang mga armas na kinabibilangan ng dalawang M16 rifle, isang caliber.30 garand rifle, isang caliber 45 pistol, tatlong 38 revolver, at isang Improvised Explosive Device (IED). Ayon sa pahayag ng mga nagbalik loob, ang kanilang pagsuko ay bunsod na rin sa dinaranas nilang pagod at hirap sa pagtakas at pagtatago dahil na rin sa mas pinaigting pang mga operasyong ikinakasa ng tropa ng pamahalaan. Ilan rin umanong dahilan upang tuluyan nilang iwan ang kinaanibang grupo ay ang mga maling gawain nito tulad ng pangingikil o extortion na pawang ang liderato lamang ng NPA ang nakikinabang, ang pananakot sa mga indibidwal na hindi naniniwala sa kanilang baluktot na idolohiya, at ang hindi pagsasakatuparan ng mga ipinangakong tulong ng mga matataas na lider ng NPA.

Kasabay ng nasabing pagsuko ay ang bulontaryong pagbabalik loob naman ng 35 milisyang bayan na kasapi ng Sangay sa Partido sa Lokalidad na kumikilos sa Barangay Victory, Balud, Masbate. Matatandaan na maraming naitalang engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga teroristang NPA sa nasabing probinsya dahilan upang mas lalo pagtuunan ng pansin ng pamunuan ng 9ID ang pagsasagawa ng mga combat operation at community support programs upang epektibo nitong matugunan ang problema patungkol sa insuruhensya.

Sa kasalukuyan nasa pangangalaga ng 2nd Infantry Battalion ang nasabing mga sumuko para sa kaukulang pagpoproseso ng kanilang mga dokumento para sa pagpapasailalim sa kanila sa Comphrehensive Local Integration Program (CLIP). Nakikipag-ugnayan na ang 903rd Infantry Brigade sa lokal na pamahalaan ng nabanggit na lalawigan upang maisama ang mga sumukong rebelde sa CLIP at iba pang livelihood assistance na makakatulong sa kanilang pagbabagong buhay.

Kaugnay nito, isang pagbati at pasasalamat ang ipinaabot ng pinuno ng 9ID na si Maj. Gen. Jesus A. Manangquil Jr sa mga sumukong miyembro ng NPA dahil ito aniya ang pinakamainam na paraan upang makamtan uli ang mapayapang pamumuhay. Dagdag pa ng heneral, bukas ang pinto ng kanyang pamunuan para sa mga nagnanais ng sumuko at bumalik sa normal na pamumuhay. Siniguro din ng pinuno na nakahandang mabigay ng tulong ang 9ID sa mga dating rebelde upang makamit nito ang mga programang inilaan ng pamahalaan para sa kanilang pagbabalik loob.