• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Sundalong nagsasagawa ng HADRO, Pinaputukan

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, San Jose Pili, Camarines Sur – Sugatan ang isang miyembro ng 83rd Infantry Battalion matapos silang paputukan ng mga miyembro ng New People’s Army habang nagsasagawa ng Humanitarian Assistance Disaster Response Operation (HADRO) sa mga nasalanata ng kalamidad at sakuna sa Barangay Malobago, Guinobatan, Albay dakong alas 12:30 ng madaling araw, Enero 22.

Kinilala ang sugatang sundalo na si Pfc Gilmo B. Canuel na nagtamo ng tama ng shrapnel sa kanang braso.

Ayon sa ulat, nasa lugar ang mga sundalo upang tulungan ang mga residenteng apektado ng pagputok ng bulkan nang isagawa ng mga terorista ang naturang karahasan. Agaran namang nilapatan ng paunang lunas ang nasabing sundalo at dinala sa Doctors Hospital sa Legazpi City.

Matatandaan, bumuo ng Task Force “Sagip” ang 9ID matapos itaas sa alert level 4 ang sitwasyon ng Bulkang Mayon kung saan aktibong nakikipagtulungan ang mga kasundaluhan sa mga isinagawang paunang paglikas, malawakang pagbabala at pagbibigay seguridad sa mga apektadong komunidad.

Muling nagpaalala si Maj. Gen. Jesus A. Manangquil Jr. sa mga miyembro ng 9ID na maging mapagmatyag sa anumang tangkang paghahasik ng karahasan ng mga terorista. Sinabi rin ng heneral ng hindi mahahadlangan ng anumang panggugulo ng teroritang grupo ang pagbibigay tulong ng mga kasundaluhan sa ating kababayan.