• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Karagdagang Pwersa, Pinadala sa Mindanao

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur—Nagpadala ang 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army ng karagdagang pwersa sa Mindanao makaraan ang send-off ceremony ng 901st Infantry Brigade na ginanap sa Headquarters ng Tactical Operations Group TOG5, Philippine Air Force sa Legazpi City Airport, Pebrero 15.

Pinangunahan ni Brig. Gen. Arnulfo C. Matanguihan, Assistant Division Commander ng 9ID ang naturang send-off ceremony na dinaluhan ng mga pamilya ng mga sundalo at ni Board Member Raul Rosal ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay bilang kinatawan ni Hon Al Francis C Bichara, Gobernador ng Probinsya ng Albay.

Matatandaan na may tatlong batalyon ng pinadala ang 9ID (42nd, 65th, at 49th Infantry Battalion) na nauna ng ipinadala sa Mindanao na naging katuwang sa pangangalaga ng kapayapaan laban sa mga terorista at armadong grupo.

Lulan ng C-130 ng Philippine Air Force ang buong Headquarters staff ng 901st Infantry Brigade sa pangunguna ng Brigade Commander na si Colonel Larry B. Mojica ay buong loob na tumanggap ng kanil;ang bagon misyon sa Barangay Paco, North Cotobato, Kidapawan City na nasasakupan ng Eastern Mindanao Command. Ang pagpapadala ng 901st Infantry Brigade sa Mindanao ay ayon sa kampanya ng AFP laban sa mga armado at teroristang grupo sa Mindanao.

Ang naturang brigade ang hahawak sa tatlong batalyon na nauna nang ipinadala sa Mindanao ang 42nd, 65th at 49th Infantry Battalion na nakatuwang sa pangangalaga ng katahimikan doon laban sa mga terorista at armadong grupo.

Tiniyak Bgen Matanguihan na hindi maapektuhan ang kampanya laban sa insurhensiya sa Bikol kahit umalis ang 901st Infantry Brigade dahil ang mababakanteng Area of Operations (AOR) ng naturang brigade ay hahawakan naman ng 902nd at 903rd Infantry Brigade. Ayon din sa heneral, ang paglipat ng destino sa ibang lugar ng mga sundalo ay bahagi na ng sinumpaang tungkulin na mapangalagaan ang seguridad ng bansa at mapaglingkuran ang ating mga kababayan.

Ibinahagi naman ni Board Member Rosal ang lubos na pasasalamat ni Governor Bichara sa serbisyo na iginawad ng 901st Infantry Brigade sa loob ng 16 na taon ng pamahala sa lalawigan ng Albay. Sa pamamagitan ng isang certificate of commendation, pinaabot ng Gobernador ang kanyang komendasyon sa 901st sa suporta nito sa peace and development programs lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad kabilang na ang kasalukuyang kinakaharap na krisis ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon.