• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Lider ng NPA sa Bikol, Patay

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur — Napaslang ang isang lider ng komunistang grupo ng NPA matapos itong manlaban sa pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at Philippine National Police sa Camella Heights Subdivision, Barangay Cararayan, Naga City dakong alas 9:25 ng gabi, Marso 15.

Kinilala ng mga awtoridad ang napaslang na si Joey Fajardo a.k.a. Owen/Budoy na siyang tumatayong Secretary ng Bicol Regional Party Committee ng CPP-NPA-NDF.

Ikinasa ang nasabing operasyon upang hulihin ang nasabing lider ng teroristang grupo sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Regional Trial Court Branch 24. Ang nasabing lider ay nasangkot sa samo’t saring mga kasong kinabibilangan ng murder, frustrated murder, at damage to properties noong taong 2013.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang .45 caliber pistol, isang .30 carbine rifle, isang hand grenade, isang rifle grenade, tatlong bala ng .40mm grenade launcher, at mga bala ng nakumpiskang mga armas. Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa isang babaeng kasamahan ng nasabing lider ng terorista.

Ayon sa ulat, nanlaban ang suspek sa pamamagitan ng pagpapaputok nito ng gamit na armas dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakapaslang ng suspek at ang kasamahan nitong isang babae na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Kaugnay nito, ipinaabot ni Maj. Gen. Jesus A Manangquil Jr AFP ang kanyang pagbati sa mga kasundaluhan at kapulisan sa matagumpay nitong operasyon. Aniya, isa lamang itong patunay na isinasagawa ng pamahalaan ang lahat ng hakbangin upang mahuli ang nasa likod ng mga karahasan at kaguluhan sa ating rehiyon.

Sinabi rin ng pinuno na sana’y maging daan ito upang mabuksan ang kaisipan ng mga natitirang kasapi ng CPP-NPA terrorist group na magbalik loob na sa pamahalaan. Ang pangyayari ay magpapatunay din umano na ang mga lider ng teroristang grupo ay nabubuhay nang marangya at nagpapasasa sa perang nakulimbat habang ang mga ordinaryong kasapi ng kilusan ay hirap, gutom at pagkatakot ang nararanasan. 

Dagdag pa ng pinuno na handa ang 9ID katuwang ang iba pang law enforcement agencies na ipatupad ang batas laban sa masasamang elemento ng lipunan upang mapangalagaan ang katahimikan ng rehiyon ng Bikol.

Muling nanawagan ang Kumander ng 9ID sa lahat ng mga kasapi ng teroristang grupo na ibaba na ang kanilang mga armas at iwan na ang marahas na pakikibaka upang makamit na ang tunay na katahimikan at kaunluran. Sinabi rin nitong ang paggamit dahas ay hindi paraan upang magkaroon ng mga tunay na pagbabago. Hinikayat din nito ang natitirang kasapi ng NPA kunin ang pagkakataong ibinibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) upang makapagbagong buhay.

Ang programang ito ay hindi lamang magbibigay pinansyal na tulong kundi pati na rin mga pagsasanay at psycho-social support na siyang maghahanda sa kanila sa pagbabalik sa normal na pamumuhay. Binigyan diin din ng pinuno ng 9ID na mas magiging produktibo ang sinumang naghahangad ng kapayapaan at kaunlaran kung ito ay makikiisa at makikipagtulungan sa ating pamahalaan.