• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

RJSCC 2nd Coordinating Conference Isinagawa

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur— Isinagawa ang 2nd Coordinating Conference ng Regional Joint Security Control Center (RJSCC) na ginanap sa tanggapan ng regional election ng Commission on Elections Region V sa Rawis, Legazpi City, ala 1:00 ng hapon, Abril 23.

Ang naturang coordinating conference ay dinaluhan nina Maj. Gen. Jesus A. Manangquil Jr., Commander ng Joint Task Force Bicolandia ; PCSupt. Antonio N. Gardiola Jr., Regional Director, Police Regional Office (PRO5); Atty. Ma. Juana S. Valeza, Regional Election  Director at iba pang matataas na opisyal.

Napag-usapan sa pagtitipon na ito ang gagawing paghahanda kaugnay ng nalalapit na eleksiyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa darating na Mayo 14.

Nakikipag-ugnayan na ang 9ID sa PNP at sa COMELEC sa pagtukoy sa mga lugar na posibleng areas of concern para sa pagbibigay ng kaukulang seguridad.

Nakahanda naman ang pamunuan ng 9ID sa pagtalaga ng mga sundalo sa mga lugar na ededeklarang areas of concern ng COMELEC upang matiyak na maging mapayapa at kapanipaniwala ang halalan.

Nanawagan si Maj. Gen. Manangquil sa mga residente sa lugar na kaagad na magpaabot ng impormasyon sa mga kinauukulan sa anumang kahina-hinalang grupo sa kanilang lugar upang hindi makapaghasik ng kagulohan.

Hinikayat din ng heneral ang mga tatakbong kandidato na huwag sumunod sa Permit to Campaign o Permit to Win (PTC/PTW) na maaring ipatupad ng mga teroristang New People’s Army lalo na sa mga liblib na lugar.

Tiniyak naman ng Philippine Army na mapangangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan sa pagsisimula at pagtatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.