• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Teroristang NPA Patay, Armas narekober sa Engkwentro sa Masbate

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Patay ang isang kasapi ng teroristang New People’s Army (NPA) habang isang armas ang narekober makaraan ang engkwentro sa Barangay San Carlos, Milagros, Masbate dakong alas 11:50 ng gabi, Hulyo 1.

Ayon sa ulat na nakarating sa Joint Task Force Bicolandia, nagsasagawa ng security operation sa lugar ang pinag-isang pwersa ng mga sundalo mula sa 2nd at 22nd Infantry Battalion nang makasagupa nito ang tinatayang sa limang teroristang NPA ng Larangan 2, Komiteng Probinsya 4 ng Bicol Regional Party Committee na kumikilos sa nasabing lugar.

Umabot ng limang minuto ang palitan ng putok kung saan nagresulta ito sa pagkakapatay ng ng isang teroristang NPA na kinilalang si alyas Bernard at pagkakakumpiska ng isang improvised shotgun.

Matapos ang pangyayari, kaagad na nagsagawa nang pakikipagugnayan ang pamunuan ng 2IB sa mga awtoridad para sa kaukulang disposisyon sa labi ng NPA na nasawi sa sagupaan. Walang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan habang patuloy pa rin ang isinasagawang nitong pursuit operation upang tugisin ang iba pang nagsitakas na mga terorista.

Kaugnay nito, tiniyak ng Joint Task Force Bicolandia sa pamumuno ni Maj. Gen. Jesus A. Manangquil Jr., na magpapatuloy ang pinaigting na mga operasyon laban sa teroristang grupo upang mapigilan itong maghasik ng karahasan sa rehiyon.

Panawagan ng heneral, mas mainam aniyang sumuko na lamang ang nalalabing miyembro ng teroristang grupo upang maiwasan nitong mapahamak at masayang ang buhay. Tiniyak ng pinuno, na nakahanda ang kanyang pamunuan upang maging gabay sa sinumang nagnanais nang magbalik loob sa pamahalaan.