• slider1.png
  • slider2.png
  • slider3.png
  • slider4.png
  • slider5.png
  • slider6.png
  • slider7.png
  • slider8.png

Isang Teroristang NPA Patay, Armas at mga Kagamitan Nakumpiska

 

 

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Patay ang isang kasapi ng teroristang New People’s Army matapos maganap ang isang engkwentro sa Barangay Payak, Bato, Camarines Sur dakong alas 4:20 ng hapon, Enero 28.

Ayon sa ulat na nakarating sa Joint Task Force Bicolandia, nangyari ang sagupaan matapos magsawa ng security operation ang mga sundalo mula sa 83rd Infantry (Matikas) Battalion, 9th Infantry (SPEAR) Division, Philippine Army bilang tugon sa mga impormasyong natanggap nito tungkol sa presensya ng sampong (10) teroristang NPA sa nasabing lugar.

Tumagal ng sampong (10) minuto ang naging palitan ng putok ng magkabilang panig kung saan ito ay nagresulta sa pagkakasawi ng isang miyembro ng teroristang grupo at pagkakakumpiska ng isang (1) M16 rifle, tatlong (3) backpacks, isang (1) cellphone, mga dokumento at personal na kagamitan. Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan habang patuloy pa rin ang isinasagawang pagtugis sa mga nagsitakas na salarin.

Ayon sa tala JTF Bicolandia, ito na ang pangalawang engkuwentro nai-rehistro sa huling bahagi ng buwan ng Enero sa kasalukuyang taon.

Muling nagpaabot ng pasasalamat si Maj. Gen. Fernando T. Trinidad AFP, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division at JTF Bicolandia sa mga sibilyan na patuloy na nagbibigay ng impormasyon na siyang naging susi upang maisagawa ng matagumpay ang mga operasyon. Dagdag pa ng pinuno, inaasahang mas dadami pa ang mga maitatalang matagumpay na operasyon dahil na rin sa kooperasyon na ibinibigay ng mga mamamayan at sa mga pinaigting na kampanya ng ating pamahalaan kontra sa insurhensiya.

Sa kabila ng mga pangyayari, patuloy pa rin ang pananawagan JTF Bicolandia sa natitirang kasapi ng NPA na ibaba na ang kanilang mga armas at magbalik-loob na sa pamahalaan.Tiniyak nito na may mga nakalaang programa ang pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o (E-CLIP) sa sinumang susuko at magbabalik loob para sa isang mapayapang pamumuhay.